Antoinette Taus denies having a child with ex-bf Dingdong Dantes!
Antoinette and dingdong
Antoinette Taus denies rumors about love child with ex-boyfriend Dindong Dantes. Di parin mamatay-matay ang mga issue tungkol sa di umanong nagka anak ang nagbabalik na actress sa kanyang dating nakarelasyong kapusong actor. Kahit sa kabilang pagtatanggi ng actress sa naturang haka-haka.

Sa kanyang panayam, ito lang ang masasabi ni Antoinette sa naturang issue.

“Oo, natatawa na lang din ako kasi, ever since, ‘di naman matapos yun, ‘tapos parami nang parami yung mga ‘anak’ ko.

“Hindi naman ako ganun.

“If ever I did have a child, sasabihin ko naman sa publiko, ‘di ko naman itatago.

“Siyempre I’ll be proud of the child I have and I do wanna have kids someday.

“Kung sakali mang mangyari yun, I’ll be celebrating.

“But, as of now, wala pa akong plano. I wanna focus on my work.

“Yung lovelife, para sa akin, makakapaghintay pa.”

Naitanong din sa actress kung bukas ba ito na makita ng personal ang kasalokuyang girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera.

“Ay, great!

“Finally, makapag-meet na kami para makita ng mga tao na walang problema, walang issue, na everything is really good.”

Sa kabilang dako, sa isang interview ng Kapuso Primetime Queen na si Marian, nasabi daw nitong “sino yun?” ng naitanung sa kanya kung kilala bha niya si Antoinette.

Pero ayon kay Antoinette, kung sakali ngang nasabi iyon ng actress ay hindi ito dapat palakihin dahil baka nagbibiro lang naman ito.

“Ano lang yun, sabi ko nga, siguro nagbibiro lang yun kasi ang alam ko, mahilig ding magbiro yun.“Siyempre joke-joke-an lang yun.”

Marami na ring nagsasabing selosa raw si Marian pagdating sa mga nakakapareha o nauugnay kay Dingdong. Hindi naman ito ikinababahala ni Toni lalo’t matagal nang tapos ang relasyon nila ng kanyang ex.

“Wala naman kasing dapat pagselosan, eh.

“So, walang mangyayaring masama, I’m sure.

“Oh, my gosh, yung sa amin ni Dingdong, tapos na yun a long time ago.

“It’s a new chapter now.

“I’m happy for them, sana magtuluy-tuloy yung magandang relationship nila.”

Comments